PNoy bibili ng bagong eroplano

PLANO ngayon ng Malakanyang na bumili ng bagong eroplano para kay Pangulong Benigno Aquino III.

Sa isang panayam sa telebisyon ngayong umaga kay Budget Secretary Florencio Abad, sinabi nito na balak nilang bumili ng eroplano para matiyak na ligtas ang pagta-travel ng Pangulo at maging ng mga miyembro ng Gabinete nito.

Ang plano ng Malakanyang ay nabuo matapos na mamatay sa isang plane crash si Interior and Local Secretary Jesse Robredo nitong Agosto 18 kasama ang kanyang dalawang piloto na sina Captain Jessup Bahinting at Kshitiz Chand.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply