PNoy di kuntento sa hawak na shortlist ng JBC

INAMIN ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi siya kuntento sa kinalabasan ng mga napiling pangalan ng Judicial and Bar Council (JBC) na kasama sa shortlist ng mga kandidato sa susunod na magiging chief justice ng Supreme Court.

“Am I satisfied? Personally, hindi. Palagay ko hindi parehas ang nangyari. ‘Yung may mga disbarment. Sabi nila doon sa rules nila may disbarment, hindi pwedeng i-consider. Naging iba, may kaso na hindi na na-abswelto, merong iba naman wala pang kaso talaga kung tutuusin ay biglang dinisqualified. So paano naging fair ‘yon? Pero ganunpaman din ‘yung constitution sinasabi ay kailangang mamili ako mula doon sa listahan. Anong gagawin natin? Pipili tayo doon sa listahan bago dumating ‘yung taning na oras na 27 nitong buwan na ito,” ani Pangulong Aquino.

Kasalukuyan nang nasa tanggapan ni Pangulong Aquino ang shortlist kung saan ay “out”  ang pangalan ni Justice Sec. Leila de Lima.

Matatandaang si De Lima ang sinasabing paborito ng Malakanyang at napabalitang ‘ginapang’ pa ang JBC para pakiusapan na isuspinde ang rules upang ma-accommodate ang kalihim sa kabila ng may nakabinbin itong kaso sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Aniya, napaka-unfair ng naging basehan ng JBC sa kung sino ang isasama at mga i-disqualify sa shortlist.

“Ano ba ang choice ko? The Constitution doesn’t give me that prerogative. The Constitution tells me that I have to choose from the list that they submitted,” ang diing pahayag ng Punong Ehekutibo.

Anito, may mga disqualified dahil may kinakaharap na disbarment case pero may nakapasok namang may kaso rin pero inabswelto kaagad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply