PNoy, mga kapatid dadalaw sa puntod ng ama

PANGUNGUNAHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang paggunita sa Ninoy Aquino day o ang ika-29 annibersaryo ng pagkamatay ng kanyang ama.

Sa ulat sa radyo, ayon kay Presidential spokesperson Atty. Edwin Lacierda, tutungo sa puntod ni dating Senador Ninoy Aquino ang Pangulo kasama ang mga kapatid upang makapag-alay ng panalangin tulad nang kanilang nakagawian.

Nanawagan din si Lacierda sa publiko na makiisa sa paggunita ng mga kabutihang nagawa ni Ninoy para sa bansa.

May inihahanda ring aktibidad ang Ninoy Aquino Movement (NAM) sa tarmac ng NAIA kung saan napatay si dating senador noong 1983.

Magugunitang, agad umuwi si Pangulong Aquino mula sa Masbate kagabi para sa death anniversary ng ama.

Alas-siyete kagabi nang makabalik ang Pagulo sa Maynila mula sa Masbate kung saan personal na inalam ang latest update ukol sa search and rescue operation kahapon sa nawawalang si Interior Secretary Jesse Robredo.

Bago tumulak pa-Maynila, personal din na pinuntahan ng Pangulo ang pamilya ni Robredo upang ipabatid o ireport ang pinaka-latest update kaugnay nang paghahanap sa nawawalang opisyal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply