PNoy nagpalipas ng gabi sa Masbate

NAGPALIPAS ng gabi ang Pangulong Benigno Aquino sa Masbate para personal na pangasiwaan ang patuloy na paghahanap kay
DILG secretary Jesse Robredo at dalawang iba pa na kasama sa bumagsak na eroplano.

Nakita na ang sirang bahagi ng pakpak ng eroplano ng mga pinagsanib na pwersa ng mga rescuers mula sa rescue teams ng Coast Guard, Navy, Army, Air Force, police a t mga provincial government.

Natagpuan rin ang flight manifesto kahapon dakong 4 p.m. ng Coast Guard diver,  isang kilometro ang layo sa pinagbagsakan ng eroplano.

Ipagpapatuloy  pa rin ngayon araw ang puspusang paghahanap kay Robredo at dalawang kasama sa bumagsak na eroplano.

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply