PNoy nakiisa sa paggunita ng Eid’l Fitr

NAKIISA si Pangulong Benigno Aquino III sa sambayanang Filipino sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr (Feast of Ramadan) ng mga Muslim-Filipino.

“The bedrock of a robust society is an empowered citizenry working together for the achievement of lasting peace and meaningful reform, and there is no doubt that our Muslim brothers and sisters contribute greatly to this foundation,” nakasaad sa mensahe ni Pangulong Aquino sa Muslim-Filipino community.

Kaugnay ng pagdiriwang, sinabi rin ng Pangulo na dapat panatilihin ng lahat ang diwa ng bayanihan, at kultura ng pagkakaisa sa kanilang komunidad.

Nauna rito, idineklara ni Pangulong Aquino ang Agosto 20 bilang regular holiday sa buong bansa bilang bahagi ng paggunita ng Eid’l Fitr (Feast of Ramadan).

Sa katunayan, nagpalabas ang Pangulo ng Proclamation No. 455 na nilagdaan noong Agosto 13 ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa Jr., na may koneksyon sa Republic Act No. 9177 na nagdeklara sa Eid’l Fitr bilang regular holiday sa buong bansa.

“Eid’l Fitr is celebrated by the Muslim World for three (3) days after the end of the month of fasting. Ramadan is the month when Muslims observe a strict fast for a period of 12 hours daily, from sunrise to sunset. Ramadan is also a month of sacrifice and purification as the Muslims worldwide fast, pray and act with kindness towards the poor and less fortunate,” nakasaad pa sa mensahe ng Pangulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply