PNoy: P2.2-B dike itatayo sa Meycauayan River

ISA sa epektibong solusyon na nakikita ni Pangulong Aquino ay ang pagharang sa dike o earthdike sa Meycauayan River upang hindi makapasok ang tubig-baha sa mga lugar ng Malaban, Navotas, Obando at Meycauayan.
Bukod sa pagsasaayos ng dike ay aayusin din ang pumping station sa nasabing lugar upang sa pagdating ng ulan ay mayroon agad na hihigop ng tubig-baha upang itapon diretso sa dagat.

“Hindi ko ho kayo bubulahin, eight kilometers pong dike itong gagawin, mga two to three years ang kakailanganin natin para maitayo ito. So matatapos ko pa po. Mga 2.2 billion ang tinatayang gagastusin natin dito. May makukuha na rin tayo nung pera ‘yon. Syempre hindi ako sigurado kung gaano natin mararamdaman dahil, di ba, eight kilometers na mahabang dike, unit-unti ‘yan. Hanggang hindi kumpleto, hindi natin matatamasa ‘yung buong benepisyo niyan. Pero anyway ipapaliwanag ng mas mabuti imi-meeting natin lahat ng local government officials itong mga nasasaklaw nitong proyektong ito, pagkasunduan ‘yung gagawin natin para hindi na ho maging tradisyon na namo-mroblema tayo tuwing tag-ulan,” ayon kay Pangulong Aquino.

Binigyang diin ng Punong Ehekutibo na hindi siya nambobola dahil inatasan na nya si DPWH Secretary Babes Singson na simulan na ang pagsasagawa o pagkukumpuni sa dike sa Meycauayan River.

“Pero ulitin ko ho, hindi ko ho ugaling mambola. Hindi ko sasabihin sa inyong ayos na ito—inayos, may mga tinapos na tayo. Tapos nung Ondoy mga labing siyam na proyekto yata ’yon pero mas tinataya na mas ano ito mas malawak ang magagawang tulong sa atin. Ngayon, ‘yung iba ho sa inyo… Iba ho ‘yung sumasaklaw sa Marikina naman na malaki rin hong proyektong kailangan nating paglaanan para mahinto ‘yung pagragasa nung malakas na tubig,” anito.

Nauna rito, lumiham na si Valenzuela City 1st District Cong. Rex Gatchalian sa Malakanyang na pag-ukulan ng pansin ang kanyang panukala na ayusin ang earthdike sa may kahabaan ng Meycauayan River upang maiwasan na ang mataas na pagbaha sa kanilang lugar.

Layunin din nito na proteksyunan ang kalusugan at tiyakin ang kaligtasan ng kanyang mga nasasakupan.

Samantala, napansin naman ng Pangulo na hindi na niya matantiya ang mga mukha ng mga taga-Valenzuela kung malungkot o palaban pa sa situwasyong dinaranas ng mga ito ngayon.

Kaya ang tanong ng Pangulong Aquino sa mga ito ay “Palaban pa ho ba tayo dito? O sumusuko na tayo dito? Huwag kayong susuko. Handa ho’ng gobyerno niyong tumulong dahil ‘yon naman kaya tinatag ang gobyerno e—asikasuhin kayo.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply