PNoy, personal na hahanapin si Robredo

NAIS ni Pangulong Benigno Aquino III na mag-overnight sa Masbate upang personal na pangasiwaan ang search operations para kay Interior Secretary Jesse Robredo.

Gayunpaman, hihintayin muna ng Pangulo ang desisyon ng  Presidential Security Group kung kailangan ngang mag-overnight ang Punong Ehekutibo doon, ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte.

“We’re waiting for word. The operations are still on-going,” ayon kay Valte.

Sina Pangulong Aquino at Robredo ay malapit na malapit na magkaibigan na ang turingan ng dalawa ay “personal friends.”

Sa katunayan, noong Sabado, Agosto 18, makaraang malaman ng Pangulo na bumagsak ang eroplanong sinakyan ng Kalihim ay gusto na nitong lumipad patungong Masbate, subalit kaninang umaga lamang pinayagan dahil hindi ligtas na pumunta doon noong araw na iyon.

“The president wanted immediately to go to Masbate except gabi na noon and it’s not safe for the president to go at that time. So they scheduled it at the earliest possible hour, and took off at 5:45 a.m.,” ani Valte.

Sinabi ni Usec. Valte na nagkausap pa sina Pangulong Aquino at Robredo noong nakaraang Miyerkules sa Malakanyang at pagkatapos ay wala na silang komunikasyon sa pagitan naman ng Huwebes hanggang Sabado.

Sa ngayon, umaasa ang mga miyembro ng gabinete na ligtas si Sec. Robredo.

Samantala, tuloy pa rin ang trabaho ng mga cabinet members kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita si Sec. Robredo.

“Work goes on except that siyempre, a lot of us are … close to Sec. Robredo. We work and interact with him on regular basis,” aniya pa rin.

Iyon nga lamang, nakabitin sa ngayon ang mga isyung may kinalaman sa napaulat na banta ng immigration, quarantine at customs workers sa Ninoy Aquino International Airport.

Nakatuon, aniya, ang pansin ng lahat sa kaligtasan ng nawawalang Kalihim.

“I have to admit the situation with Sec. Robredo has overtaken the issues from yesterday. We have not been able to discuss that. While a good number of the Cabinet was present last night we were not able to discuss other issues,” diing pahayag ni Usec. Valte.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply