PNoy personal na nag-aasikaso sa state funeral ni Robredo

DAHIL malalim ang pinagsamahan bilang magkaibigan kaya punong-abala ang Pangulong Benigno Aquino III sa state funeral sa namayapang si DILG Secretary Jesse Robredo.

Tugon ito ng Malakanyang sa ulat na nagi-guilty lamang ang Pangulong Aquino sa nangyari kay Robredo kaya simula pa ng araw na malaman ng Chief Executive ang insidenteng kinasangkutan ng kalihim ay hindi na ito napakali.

“Well, obviously the President is a very stoic person but he is certainly—malapit na kaibigan si Secretary Robredo. Ang nalalaman lang po natin kasama po siya sa kampanya ni Pangulong Aquino doon sa 2010 elections pero noong panahon pa po nung senatorial elections tumutulong na po si Secretary Robredo kay Pangulong Aquino. So matagal, mahaba po ang kanilang pinagsamahan tulad ng sinabi po ni Secretary Mar Roxas kasangga po ‘yan e. This person—they have… We believe in the same causes, we believe in the same principles. They are—magkasama po sila sa laban sa—towards good governance. So malalim po ang kanilang pagsasama,” ayon kay Sec. Lacierda.

Wala naman siyang ideya kung naiyak si Pangulong Aquino nang malaman niyang patay na ang kanyang kaibigan na si Robredo.

“Hindi ko po alam. ‘Yung mga ganoong personal hindi ko na po tinatanong kay Pangulong Aquino,” aniya pa rin.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply