PNoy, personal na nag-ikot sa evacuation centers

PERSONAL na inikot ni Pangulong Benigno Aquino III ang ilang evacuation centers sa Metro Manila.

Unang binisita ni Pangulong Aquino ang Brgy. Tunasan, Muntinlupa City bandang 2:30 ng hapon kung saan namahagi rin siya ng relief goods.

Kasama ng Pangulo ang kapatid na si Kris Aquino na nanawagan sa mga may kaya na mag-donate ng tulong sa mga nasalanta ng baha.

Pinuri nito ang mga opisyal ng gobyerno sa maagap na pagkilos at sa mga biktima dahil sa kabila ng pagkabaha ay nananatiling ‘high in spirits.’

Dumaan din ang Pangulo sa Muntinlupa Sports Center kung saan may inilikas ding mga biktima ng baha.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply