PNoy personal na nag-ulat sa misis ni Jesse

PERSONAL na ibinalita ni Pangulong Benigno Aquino III sa misis ni DILG Jesse Robredo ang pinakahuling balita kaugnay ng isinasagawang search and rescue operations sa Masbate .
Alas-3:00 ng hapon kanina nang magtungo sa Naga City si PNoy upang makipagkita kay Atty. Leni Robredo, asawa ng kalihim.

Ani Transportation and Communications Sec. Mar Roxas sa pag-alis ni PNoy sa Masbate: “Alas-3:40, nagpasya ang Pangulo na lilipad na siya patungong Naga para siya mismo ang mag-brief kay Ma’am Leni sa mga developments at mga search and rescue efforts na ginagawa ngayon.”

“Please don’t misinterpret, huwag po nating ipag-speculate kung bakit umalis ang Pangulo, baka isipin na may bitbit na balita, wala po… Huwag po natin lagyan ng kulay o anuman.”

Sa halip na hintayin sa bahay si PNoy ay mas pinili na lang ni Ginang Robredo na sa Naga City Airport na lamang salubungin ang Pangulo kasama si Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman.

Isinara naman sa media ang pag-uusap ng dalawa pero nabatid na may ipinakita pang mapa si PNoy kay Mrs. Robredo para ipaliwanag ang search and rescue operations.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply