PNoy pinabibili ng bagong eroplano ni Sotto

NANAWAGAN ngayon si Senate Majority Leader Vicente Sotto III sa gobyerno na napapanahon na upang bumili ng isang bagong presidential plane na gagamitin sa mga biyahe ni Pangulong Noynoy Aquino III at mga Gabinete nito.

Ang panawagan ni Sotto ay kasunod ng nangyaring pagbasak ng sinasakyang eroplano ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo sa karagatan ng Masbate.

Ayon kay Sotto, hindi na umano ito ang unang pagkakataon na mayroong Malacañang official na nadisgrasya sa sinasakyang aircraft.

Matatandaang sa ilalim ng nagdaang administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, namatay si dating Press Usec. Jose Capadocia makaraang bumagsak ang sinasakyan nitong helicopter sa Mountain Province.

Mgugunita ring napuwersa ang mga piloto ng presidential chopper (Bell 412) at ang convoy nitong isa pang Bell chopper na lumapag panandalian sa Luisita exit sa may Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) sa Tarlac na sakay si Pangulong Aquino III at ang ilang miyembro ng kanyang Gabinete dahil sa malakas na ihip ng hangin na sinabayan pa ng malakas na ulan kamakailan.

Nilinaw ni Lt. Gen. ­Anthony Alcantara, commander ng Northern Luzon Command (NOLCOM), na normal lamang para sa anumang helicopter o eroplano na lalapag kapag malakas ang hangin at ulan sa ere.

Agad namang dumating noon ang convoy ng Presidential Security Group (PSG) at mga sundalo sa nilapagan ng dalawang helicopter para maihatid ang Pangulo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply