PNoy: Problema sa baha sa Marikina nireresolba na

MAY ginagawa ng solusyon ang pamahalaan sa problema ng pagbaha sa Marikina City.

Ito ang inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III kasabay ng kanyang pagbisita sa Nangka Elementary School na nagsisilbing evacuation center sa Nangka, Marikina City.

Humingi naman ng paumanhin ang Punong Ehkutibo sa mga taga-Marikina dahil hindi mareresolba ang problema ng mga ito sa loob lamang ng magdamag.

Aniya, kailangan ng panahon sa pagtatayo ng mga istruktura upang maiwasan na ang pagbaha sa lugar.

Kasabay nito, personal ding namahagi ng relief goods ang Pangulo sa mga biktima ng baha.

Mula sa Marikina City, dumiretso ang Pangulo sa covered court ng Barangay Bagong Silangan sa Quezon City kung saan dinala ang mga binahang residente.

Nag-ikot din si Pangulong Aquino sa sa CAMANAVA (Caloocan-Mandaluyong-Navotas-Valenzuela) area na isa rin sa lubhang naapektuhan ng mga pagbaha.

Magugunitang binisita ng Punong Ehekutibo ang mga biktima ng baha sa Muntinlupa kahapon (Miyerkules), kasama ang kanyang kapatid na si Kris at ilang mga miyembro ng Gabinete.

Katulad na kahapon, may ilang politiko na namang kasama ang Pangulo sa pag-iikot at mistulang nangangampanya na para sa 2013 elections tulad ni dating Akbayan partylist Congresswoman Risa Hontiveros at Aurora Rep. Sonny Angara.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply