PNoy, tipster ni Biazon sa nasabat na smuggled rice

NABULGAR ngayon na si Pangulong Benigno Aquino III ang siyang nagbigay ng tip kay Customs Commissioner Ruffy Biazon sa paparating na 420, 000 sako ng Indian white rice na tinangkang ipuslit sa Subic Metropolitan Bay Authority (SBMA) nitong Abril.

“Si Pangulong Aquino ang nagbigay ng impormasyon sa akin,” ayon kay Biazon.

Ibinigay ni Biazon ang naturang impormasyon matapos igiit ng ilang miyembro ng Senate committee on agriculture na nag-iimbestiga sa tangkang pagpupuslit ng naturang bigas na nauna nang tinanggihan ng Indonesia.

“Wala po akong clearance na ilantad ang pangalan ng aking source pero kung pipilitin po ako ng mga senador, kailangan ko nang ilantad ang aking source,” dagdag ni Biazon.

“The President is really serious in combating smuggling and he should be rightfully commended for that,” dagdag niya.

Sinabi ni Biazon sa mga senador na ibinabala sa kanya ni Pangulong Aquino na may paparating na kargamento na may dalang maraming sako ng bigas sa pamamagitan ng isang text messages mula sa chief executive.

Ngunit, ayaw din ibulgar ni Biazon kung sino ang nagbigay ng tip kay Pangulong Aquino na may paparating na kargamentong bigas mula India nang tanungin ni Sen. Ralph Recto.

“I don’t have that information your honor,” ayon kay Biazon.

Kasabay nito, pinuri naman ni Enrile si Pangulong Aquino sa ginawa niyang pagbibigay ng abiso kay Biazon hinggil sa posibleng pagpupuslit ng naturang kargamento na iniimbestigahan ngayon ng Senado.

“That’s his duty… We should commend the President for doing his oath to execute the laws,” ayon kay Enrile.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply