PNoy walang balak kausapin si Pangilinan

WALANG balak si Pangulong Benigno Aquino III na kausapin pa ang nag-leave of absence na si Bureau of Corrections (BuCor) chief Gaudencio Pangilinan kaugnay sa insidente ng pagtakas o pagdukot kay Rolito Go.

Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Aquino na kuntento na siya na makakuha ng impormasyon mula kay de Lima kaya wala siyang nakikitang dahilan para magharap pa sila ni Pangilinan.

“Not directly, through Leila de Lima,” anito.

Ayaw namang aminin ni Pangulong Aquino na wala na siyang tiwala kay Pangilinan kaya agad niyang tinanggap ang leave of absence nito.

“Alam niyo parang pinarating ko na rin naman e, ano. Kung saka-sakali may kidnapping, paano ka nakikidnap sa loob ng Bilibid? Kung hindi naman kidnapping ‘yon… Ang daming mga reporma at sila rin ang nag-i-institute, ano. For instance, ‘yung mga kubol dapat wala. Tama bang meron siyang bahay sa likod nung Ina ng Awa na simbahan? Noong araw ko pa posisyon ito noong ako’y senador, sabi ko: bakit ba ‘pag nakulong ka kunyari, life imprisonment, dini-define ng ating batas 40 years ‘yung pagkakulong mo. Sa 40 years parang ang daming nakakawala pagpunta pa lang nung kalahati nung termino. Parang pagpasok mo pa lang may tinatawag silang good conduct allowance. Hindi naman kasalanan ni Director Pangilinan ito, ano. Pero pagpasok mo pa lang sa kulungan ‘pag nag-behave ka binibigyan ka ng diskwento doon sa sentensiya mo. Tinatanong ko noong araw pa, paano ka hindi magbe-behave kung tigas ka at siga ka sa pinanggalingan mo kaya nagkaroon ka krimen at nakulong ka, pagdating mo sa National Bilibid nung nandoon lahat ng mga siga at mga tigasin hindi ka naman pwede na hindi nagbe-behave, di ba. So dahil ginawa mo lang para mag-survive kailngan kang gantimpalaan. So maraming tanong sa nangyari, maraming… Parang ’yung minimum na expectation hindi dapat nangyari ang nangyari. So may imbestigasyon bakit ba nangyari itong nangyaring ito, at pagtapos ng imbestigasyon, syempre may panagutan kung sinong mga nagkulang. Kung may kidnap man, paano makakapasok mga kidnapper diyan? Kung nakatakas naman, bakit ganoon kaluwang ang ginawa kaya nagkaroon… ‘Yung in spite of the reforms ay may nakatakas pa rin,” ang pahayag ni Pangulong Aquino.

Pinasaringan na naman nito ang nagdaang administrasyon sa minana nitong problema ng sindikato na pinipilit niyang buwagin ngayon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply