PNP handa na sa state funeral ni Robredo

HANDANG-HANDA na ang Philippine National Police (PNP) para sa nakatakdang state burial bukas ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo.

Kaugnay nito, tiniyak ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome ang inilaan seguridad ng mga opisyal ng pamahalaan at maging ng publiko na makikiisa sa libing ni Robredo.

Sinabi ni Bartolome na nasa isang batalyong pulis mula sa Kampo Krame ang kanyang isinama sa Naga City para tiyaking magiging mapayapa at maayos ang paghahatid kay Robredo hanggang sa mai-cremate ang labi ng kalihim.

Dagdag pa nito  na bukod sa seguridad ay kasado na rin ang plano sa pagsasa-ayos nila ng daloy ng trapiko, crowd control at pagbibigay ng arrival honor sa labi ng kalihim.

Bukas Martes ng umaga isasagawa ang state funeral kay Robredo patungo sa kanyang huling hantungan sa Eternal Gardens.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply