PNP naka-red alert sa South Cotabato dahil sa banta sa seguridad

NANANATILING naka-red alert status ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan ng South Cotabato dahil sa banta sa seguridad ng masasamang grupo at ang nangyaring pagsabog sa Cotabato province noong nakaraang linggo maging ang mga kumakalat na text messages na serye ng pambobomba na gagawin partikular sa lalawigan.

Ayon kay Police Senior Supt. Randolf Delfin, police provincial director, double red alert ang ipinatutupad na check point papasok at palabas sa lalawigan at dinagdagan ang pagbabantay.

Umaapela din si Delfin sa publiko na maging vigilante at huwag mag-panic kapag may matanggap na text messages at mas mabuting i-report agad sa pinakamalapit na police station para mapigilan ang plano ng masasamang grupo.

Una ng lumabas ang mga balita na galing umano sa grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) ang nasabing mga pagbabanta.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply