POC chair, palitan na – Trillanes

NANINIWALA si Senador Antonio Trillanes na panahon na para palitan bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) ang amain ni Pangulong Benigno Aquino na si Jose “Peping” Cojuangco.

Iginiit ito ng senador sa mga national sports association na mga bumoboto ng pangulo ng POC.

Ayon kay Trillanes, chairman ng Senate Committee on Amateur Sports, dahil sa halip na pasulong, paurong ang nangyayari sa sport sa bansa, kung saan ang dahilan umano nito ay ang 77-anyos na tiyuhin ng presidente.

Dagdag pa ng senador, wala umanong malinaw na direksyon at programa ang liderato ni Cojuangco na noon pang Enero, 2005 namumuno sa POC sa kabila ng husay ng mga atletang Pinoy.

Sinabi ni Trillanes, kung walang nakuha kahit bronze medal ang Pilipinas sa dalawang nakalipas na olympics, hindi dapat umasa ang bansa sa mga susunod pang olympics hanggat nasa POC si Cojuangco na dating kongresista ng Tarlac.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply