Police asset binoga sa Kyusi, todas

NASAWI ang isang asset ng mga pulis makaraang pagbabarilin ng mga suspek na nakamotorsiklo sa Commonwealth, Quezon City.

Base sa mga saksi, dalawang suspek ang nakasakay sa motorsiklo ang siyang bumaril sa biktimang si Jomarie Acullador, isang police asset sa Laguna habang may isa pang kasama ang mga suspek na naging lookout nila.

Anim na tama ng bala ng baril sa ulo at balikat ang tinamo ng biktima kung kaya agad itong binawian ng buhay.

Kasaluluyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang krimen at inaalam pa ang motibo sa pamamaril.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply