Police colonel, nag-not guilty plea sa Maguindanao massacre

ISANG police colonel ang nagpahayag ng walang kasalanan sa Quezon City regional trial court kaugnay sa kanyang pagkakasangkot  sa kontrobersiyal na Maguindanao massacre na kumitil sa may 57  katao kabilang ang 32 journalists, na naganap noong  Nov. 23, 2009.

Itinanggi ni Col. Abdulwahid Pedtucasan, dating deputy chief ng 1507th Provincial Mobile Group sa Maguindanao ang akusasyon  sa partisipasyon niya sa krimen nang humarap sa sala ni  Branch 221 Judge Jocelyn Solis Reyes.

Ang itinuturong mga  mastermind sa krimen ay ang mga Ampatuan na kinabibilangan  ni dating  Maguindanao governor Andal Ampatuan Sr., at mga anak na sina Andal “Unsay” Ampatuan Jr. at  Zaldy Ampatuan as at 190 iba pang mga akusado .

Depensa niya, wala siyang ipinadadalang mga tropa sa Maitumaig detachment sa bayan ng Datu Unsay sa utos ng kanilang director na si Supt. Bahnarin Kamaong.

Nauna nang sinabi ng opisyal  sa korte na mahina ang kasong isinampa laban sa kanya at sumusunod lamang siya sa utos galing kay Kamaong bilang bahagi ng kanyang official duty.

Gayunman, sinabi ni  Reyes na may  probable cause  para idawit  sa kaso si  Pedtucasan na ngayon ay nakapiit  sa Quezon City jail annex sa Bicutan, Taguig City tatlong taon na ang nakararaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply