Pondo sa pagrenta ng bodega ng Comelec dinagdagan

DINAGDAGAN ng Commission on Elections (Comelec) ang inilaan na pondo para sa pagrenta ng warehouse o bodega na paglalagakan ng mga Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines na gagamitin sa May 13, 2013 midterm elections.

Batay sa 2-pahinang Bid Bulletin No.1 na ipinalabas ng Comelec-Special Bids and Awards Committee (SBAC) na nilagdaan ng Chairman na si Atty. Helen Flores, nakasaad na mula sa P112 milyon ay itinaas ang pondo para sa renta ng warehouse sa halagang P400 milyon o mahigit pa sa triple.

Ayon pa sa SBAC, available na ngayon ang bidding documents para sa warehouse sa punong tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Manila sa halagang P200,000.

Matatandaan na una nang inanunsyo ng Comelec ang paghahanap ng warehouse na may configuration facility upang may mapaglagyan ng 82,000 PCOS machines dahil hanggang Agosto 31 na lang ang libreng pagamit ng Smartmatic ng kanilang warehouse sa Cabuyao, Laguna.

Ang mapipiling warehouse ay rerentahan ng Comelec mula Oktubre 1, 2012 hanggang December 31, 2015.

Nauna rito, nagsagawa ng bidding ang Comelec para sa nasabing warehouse ngunit nagkaroon ng failure of bidding dahil sa pagiging ineligible to bid ng lone bidder sa kontrata.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply