Population control motibo ng RH bill

INIHAYAG ni Senate President Juan Ponce Enrile na tanging pagkontrol sa paglobo ng populasyon ang pangunahing motibo sa pagsusulong sa Reproductive Health Bill.

“Wala nang iba, kundi kontrolin ang paglobo ng ating populasyon. Itinatago nila ang katotohanan sa likod ng panukala na walang ibang kundi kontrolin ang ating populasyon upang matupad ang kanilang adhikain na panatilihin ang ideyal na sukat ng pamilya,” ayon kay Enrile.

“Kasi ayaw nilang malaman ng madla na kokontrolin nila ang population, and the net result nito is to control the number of population. Let’s educate the people, kung sinasabi naman na mahihirap sila, eh bigyan natin sila ng trabaho, maraming paraan,” dagdag niya.

Kasabay nito, binatikos din ni Enrile ang proponents ng panukala sa pagsasama ng kontraseptibo bilang essential medicines sa isang probisyon ng Reproductive Health bill na pangunahing gamit upang kontrolin ang populasyon.

“Sasabihin mong essential medicines yan? Anong sakit ang ginagamit ng IUD –intrauterine device, ano ang ginagamot nito, ano ang purpose nito, kundi magbawas ng tao sa ating bansa, ano ang curative value ng pills upang hindi ka magbuntis, sakit ba ang pagbubuntis?” ayon kay Enrile.

“Kung gusto nila na ilagay natin that the government will districute IUD, but don’t put is a medicine. It is stupid to brand them as essential medicines even the World Health Organization branded them as essential medicine, but the people will also think,” dagdag pa ng senate chief.

Sinabi pa ni Enrile na maglalagay siya ng amyenda sa panukala pagkatapos ng period of interpellation at hindi na siya magsasagawa ng anumang interpelasyon matapos ang turno en contra ni Senate Majority Leader Vicente Sotto na inaasahang tatapusin sa Miyerkoles.

“Gusto kong amendahan ang RH bill, amendments naman kung tatanggapin ng sponsor, salamat, kundi hindi naman, eh di pagbobotohan. Malalaman natin kung sino ang pabor o hindi papapanagutan natin yan sa bayan, kaya dapat mai-record sa Senado upang malaman kung  sino ang pumabor o hindi dahil may pananagutan tayo sa bansa,” aniya.

“Naghihirap ngayon ang ibang bansa sanhi ng batas na iyan. Tinatanggap na nila yan ngayon. Sa ating bakit gusto natin itong ipasa. They may not feel it today in their lifetime, how about those next generation of our people na walang kamuwang-muwang na they will suffer from our mistakes today,” aniya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply