Posisyon ng mga eksperto sa kalusugan ni CGMA, inaabangan ng Palasyo

NAKAABANG ang Malakanyang sa magiging posisyon ng ibang mga eksperto hinggil sa tunay na kalagayan ng kalusugan ni dating Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kailangang magkaroon ng independent findings para matiyak ang kanyang kondisyon.

“Well, as already mentioned by Secretary Butch Abad kailangan ng independent verification. But as to the method kung sino that will have to be discussed first,” ayon sa opisyal.

Matatandaang inirekomenda ni Dr. Roberto Anastacio ng Makati Medical Center na dapat maoperahan si Arroyo sa ibang bansa bago pa man mahuli ang lahat.

Ayon kay Valte, dati si Health Sec. Enrique Ona ang nagsagawa ng verification pero sa kasong ito, pag-uusapan pa daw kung sino ang magka-countercheck sa findings ng Makati Medical Center.

Ayaw pa namang pag-usapan ng Malacañang sakaling pagbigyan ng korteng makabiyahe si Arroyo dahil premature pa daw ang usapin hanggang walang formal petition ang kampo ng dating Pangulo.

“Huwag muna tayong mag-speculate kasi wala pa silang filing in court. We have not received news of any moves by the camp of the former President to ask for travel authority kasi may HDO po siya issued by the Pasay RTC. Hintayin na lang po natin until they actually made a definitive move to ask for travel authority,” ani Valte.

Aniya, kailangan munang makuha ang pulso ng pamahalaan bago pa patulan ang inihayag ni Doctor Anastacio na kailangan nang magpagamot ng dating lider sa mga bansang nabanggit.

Hanggang ngayon ay pinanghahawakan ng Malakanyang ang naunang inihayag ng pangulo ng Philippine Medical Association na si Dr. Olarte na, “we have physicians who are capable of performing the particular surgery that may be required.”

So, may difference in medical opinion that has to be settled,” ani Valte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply