Poster at kwento ng ‘Guni-Guni’ ginaya sa ibang bansa

USONG-USO ngayon ang isyung plagiarism dahil kay Sen. Tito Sotto na sinasabing ang naging laman ng kanyang speech tungkol sa kinokontra nitong RH Bill ay ginaya sa isang US-based blogger pero pinasinungalingan ito ng butihing senador. Aniya, pareho lang silang komopya kay Dr. Natasha Campbell-McBride kaya natatawa na lamang daw siya.

Ngunit bago nasadlak sa ganitong isyu ang actor/politician, may nauna nang gumawa nito-si Supreme Court (SC) Associate Justice Mariano del Castillo na ayon sa tsika ay nangopya rin daw sa iba. Wala namang nangyari sa mga ito at lumamig na lang nang kusa ang issue.

Anyway, pagdating naman sa showbiz at ay meron din palang panggagayang naganap. Itong 2007 Thai horror film na Alone na dinirek ni Banjong Pisanthanakun at Parkpoom Wongpoom na ang bida ay si Thai-German pop singer Marsha Wattanapanich, na naging blockbuster sa Thailand at ibang bansa sa Asia ay dito raw ginaya ng Regal Films ang poster ng kanilang pelikulang Guni-Guni na pinagbibidahan ni Lovi Poe. Sus ginoo!

Kumakalat ito ngayon sa Facebook at iba pang networking sites sa internet. Hindi lang kami nagkaroon nang pagkakataong busisiin pa ang dalawang pelikula, dahil ayon pa sa ilang blogger, maging ang kuwento raw ng movie ni Mother Lily ay halaw pa rin sa istorya ng Alone.

Kung totoo ito, aba’y tiyak na magugulat ang Thai producer. Ang buong akala nila nag-iisa lamang sa asya ang kanilang proyekto eh ‘yun pala, may kapareho ito?

Sa awa naman daw ni Kulapo ay kumita ng 130 thousand sa first day of showing ang Guni-Guni. Hindi na masama. Sana lumaki pa ito. Iyon nga lamang, para lang silang alikabok sa kinita ng The Healing ni Ate Vi na nakalikom ng 9 milyon sa unang araw.

***

Show ni Paula sa Lucky Chinatown Mall bukas

HINDI na talaga paaawat ang pagimbulog ni Paula Bianca sa local tinpan-alley dahil parati na siya ngayong pinag-uusapan sa iba’t ibang babasahin. Paborito rin siyang topic ng mga kapatid namin sa panulat. At itong show niya na magaganap bukas, August 25, 2012 sa oras na alas-dos, sa Lucky Chinatown Mall ay pinakaaabangan na nila.

Kaya halina kayo’t sugurin natin ang rock singer sa naturang mall at pakinggan natin ang kanyang mga awitin at kung paano siya mag-perform. Kayo na ang humusga kung gaano kagaling itong dalaga ni Papa Dhan at talent ni Tito Alfie (Lorenzo).

***

Judy Ann, Angel at Zsa Zsa, mga babaeng palaban

LIFE stories nina Judy Ann Santos, Angel Aquino, at Zsa Zsa Padilla ang ibabahagi ng top-rating showbiz talkshow ng ABS-CBN na “Showbiz Inside Report” bukas, Sabado (Agosto 25).

Sa episode na pinamagatang, “Mga Babaeng Palaban: Women in Crisis,” malalimang ipakikilala sa TV viewers ang tunay na pagkatao sa likod ng kamera ng tatlo sa mga pinakapinag-uusapang aktres ngayon.

Paano binago si Juday ng pagiging nanay sa dalawa niyang anak? Ano ang mga ginawa ni Angel upang maunawaan ang nasaksihan niyang pananakit ng ama sa kanyang ina?

Sino ang pinaghuhugutan nang lakas ni Zsa Zsa ngayong na-diagnose siya na may stage 1 kidney cancer?

Huwag palampasin ang kuwento ng tatlong babaeng palaban sa top-rating at trending Saturday entertainment talkshow sa bansa, “Showbiz Inside Report,” tuwing 2:30 ng hapon, pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply