Posthumous confirmation kay Sec. Robredo? Pwe!

NATULALA ang mga kasapi ng makapangyarihang Commission on Appointments sa ipinakitang suporta, pagmamahal at pagdakila ng taumbayan sa katapatan sa serbisyo ni yumaong DILG Secretary Jesse Robredo.

Kaya kaagad nagpahayag ang isang miyembro nito na hihikayatin niya ang buong Commission na igawad kay Sec. Robredo sa susunod na linggo ang “posthumous confirmation.”

Katarantaduhan ‘yan, parekoy, dahil ang terminong  “posthumous” ay ginagamit lamang sa mga award na iginagawad sa isang namayapa  bilang  pagkilala sa mabubuti niyang ginawa noong siya ay nabubuhay pa.

Samantalang ang “confirmation” ay bilang pag-apruba para maging opisyal ang panunungkulan ng isang opisyal ng pamahalaan, na ayon sa batas ay kinakailangang kumpirmahin ng Commission on Appointments.

Dito sa kaso ni Sec. Robredo, ano ang aaprubahan o kukumpirmahin ng Commission on Appointments ngayon? Para maging opisyal ang kanyang panunungkulan bilang DILG Secretary?

Tangna, parekoy, papalitan na nga si Sec. Robredo dahil hindi na siya makagaganap sa tungkulin dahil siya’y patay na!

Ang magagawa ng Commission on Appointments sa ngayon ay aminin sa taumbayan na dahil sa pulitika ay kanilang na-”noynoying” ang kumpirmasyon ng matinong tao!

Aminin na lang, parekoy ni Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte, na siya ang dahilan kaya ilang ulit na na-bypass ang confirmation ni Sec. Robredo.

At kaya niya gustong isulong ‘yang “posthumous confirmation” ay dahil nakukun-sensya na siya o baka gantihan ng mga kababayan dahil sa pang-iipit noon kay Jesse.

Sabagay, hindi na nakapagtataka ang magulong pahayag ni Villafuerte. Kasi po, dahil dyan sa letseng pulitika ay naging magulo ang kanyang relasyon sa sariling anak at humantong pa sa matinding away nila ni Gov. L-Ray Villafuerte!

oOo

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang  ALARMA-Kinse Trenta (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 0909-8992775.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply