Prayer power rally mamayang hapon na

KASADO na ang isasagawang prayer power rally na gaganapin mamayang hapon ng mga kasapi ng Simbahang katolika upang kontrahin ang isinusulong na Reproductive Health Bill.

Pangungunahan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang nasabing power rally.

Hinihikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle ang lahat ng mga pari, mga head ng mga catholic schools at lahat ng mga Katoliko na makilahok sa malawakang rally .

Bukod dito, dadalo rin ang mga delegasyon mula sa Archdiocese ng Maynila, Lipa at San Fernando, gayundin ang ilan pang diocese sa Metro Manila, at ilang probinsya.

Tinatayang 3,000 miyembro ng CBCP The Episcopal Youth Commission ang makikilahok sa power rally mamayang hapon na magsisimula ganap na ala 1:00 hanggang alas 7:00 ng gabi sa Edsa Shrine.

Ayon kay Archbishop Tagle, dapat na makiisa ang lahat sa paglaban sa RH bill upang maipahayag at maiparataing ang mensahe sa pagtutol sa panukalang batas na nakatakdang pagbotohan sa Kongreso sa Agosto 7 .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply