Prayer power rally vs RH bill, bukas na

NANAWAGAN ngayon ng Archbishop of Maynila sa lahat ng mga katoliko na makiisa sa “prayer power rally” laban sa isinusulong na RH bill ng Kamara.

Sa inilabas na circular ni Bishop  Antonio Tagle, Archbishop of Manila na ang power rally ay gaganapin na  bukas Agosto 4, sa  Shrine of Mary Queen of Peace (EDSA Shrine) sa EDSA, Quezon City  mula ala-1 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Kaugnay nito, hinimok sa Arsobispo na makiisa ang lahat ng mga pari, superiors ng mga religious communities, directors ng catholic schools, mga kabataan at mga miyembro ng Simbahang katolika na makilahok sa prayer power rally bukas.

Pangungunahan ito ng Episcopal Commission on Family and Life ng Archdiocese of Manila.

Ayon pa sa Obispo, sama-samang ipagdasal ang paglaban sa nasabing panukalang batas.

Binigyan diin din ni Bishop Tagle na ang RH bill ay hindi solusyon sa problema ng tao sa bansa kundi magdudulot lamang ng mas malalang problema.

Naniniwala rin si Bishop Tagle na sa pamamagitan ng prayer power rally ay  maipaparating ang mensahe at apela sa mga mababatas upang ibasura at huwag ipasa ang nasabing panukalang batas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply