Prayer rally vs RH bill, inilunsad ng Diocese of Balanga

SINIMULAN kagabi ng Diocese of Balanga sa Bataan ang kanilang prayer rally laban sa Reproductive Health Bill bilang pakikiisa sa malawakang “Prayer Power Rally” na gagawin sa EDSA Shrine ngayon hapon.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, nagtipon-tipon at nanalangin sa Santo Rosaryo sa St. Joseph Cathedral ang mga kabataan, mga layko at iba pang mga grupo na nagpapahalaga sa buhay .

Sinabi ni bishop Santos, na isang conference talk din laban sa RH bill ang ibabahagi hinggil sa kahalagahan, karangalan at kasagraduhan ng katawan.

Nagdaos muli ng isang misa kaninang madaling sa Cathedral ng Diocese of Balanga bilang pakikiisa sa malawakang ‘Prayer Power Rally’.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply