Premyo sa 6/45 lotto, naibulsa ng habal-habal driver

MATAPOS ang limang taon na pagtaya sa lotto ng isang 38-anyos na habal-habal driver na nagmula pa sa South Cotabato, nagbunga ang pagtitiyaga nito makaraang solong tamaan ang 6/45 lotto na binola noong Hulyo 27 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Kahapon lamang kinubra ng mapalad na lotto bettor ang kabuuang premyong P4,500,000.00 na katumbas ng nakuha niyang kombinasyong 15-08-14-39-23-10 na kinuha mula sa araw ng kapanganakan at edad ng apat niyang mga anak.

Nabatid kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, sa isang lotto outlet sa Cebu tumaya ang bagong instant milyonaryo nang dumalaw siya sa kanyang kaanak at pag-uwi na lamang sa kanilang lalawigan sa South Cotabato nalaman na tumama ang tinayaang numero.

Plano ng mapalad na mananaya na bumili pa ng mga habal-habal na ipapasada sa kanilang lalawigan upang mapalago ang uri ng negosyo at mabigyan ng trabaho ang kanyang mga kababayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply