Presong nakapuga sa NBP, naispatan sa Isabela

NAISPATAN na nasa Isabela town nitong Linggo ng gabi ang isang convicted killer na kamakailan ay nakatakas  sa New Bilibid Prison (NBP).

Noong una, inakala ng mga kapitbahay ng pugante na si Rommel Laciste sa San Mariano town na nakalabas na ito sa Bilibid prison.

Pero nang may nakapagsabing ito pala ay nakatakas kamakailan sa NBP ay ipinarating na agad nila sa pulisya ang natuklasan.

Tawag ng tungkulin, pinuntahan naman agad ng pulisya ang bahay na sinasabing nakita ang puganteng si Laciste pero nabigo sila dahil wala roon ang kanilang hinahanap.

Inanunsyo nitong nakaraang Sabado lamang ni Justice Sec. Leila de Lima ang pagtakas ni Laciste sa NBP at nagpunta pa ito sa Bilibid compound para alamin kung paano ito nakatakas.

Si Laciste ay iniuugnay sa ilang kasong Kriminal kabilang ang pagpatay sa isang parole officer na si Concepcion Lumanglas,  assistant parole at probation officer noong 2006 sa Isabela. Itinuturo rin itong mastermind sa pagpatay.

Ang pagkawala ni Laciste ay isinapubliko, ilang araw matapos mawalang parang bula noong nakaraang Agosto 14 ang isa pang convicted killer na si Rolito Go, na nahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo sa pagpatay kay Eldon Maguan noong 1991.

Nabawi rin naman agad ng awtoridad kinabukasan (Agusto 15) si Go pero sinabi nitong dinukot siya ng armadong kalalakihan na nagpakilalang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply