Presyo ng basic commodities ‘stable’ – DTI

TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) na nananatili sa suggested retail price (SRP) ang presyo ng basic commodities at sapat din ang suplay ng mga pangunahing pangangailangan sa kabila ng pagpapatupad ng “price freeze” bunsod ng pagdedeklara ng state of calamity.

Sa isinagawang price monitoring ni DTI Secretary Gregory Domingo sa ibat ibang grocery stores sa kamaynilaan, ang mga presyo ng mga basic commodities ay nananatiling stable puwera lamang sa mga presyo ng gulay at isdang galunggong na resulta ng masamang panahon.

Ayon pa sa Kalihim, nagbigay ng assurance ang mga may-ari ng ibat ibang supermarkets, wet markets at mga major manufacturers ng mga basic commodities na magkakaroon ng sapat na supply para sa kanila at hindi dapat sila mag-panic buying.

Ipinaliwanag pa rin ni Domingo na ang mga napaulat na kakulangan sa suplay ng mga sardinas at instant noodles ay bunsod sa bulto-bultong pagbili para sa ikakasang relief operations.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply