Presyo ng diesel, inaasahang sisirit sa P44/litro

MALAKI ang posibilidad na sumipa ng halos P3.00 ang presyo ng kada litro ng gasolina at diesel sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy Sec. Jose Almendras, ang pagsirit ng produktong petrolyo ay dahil sa babawiin ng mga kumpanya ng langis ang hindi nila pagtataas ng presyo noong nakaraang linggo sa mga lugar na naapektuhan ng malawakang pagbaha.

Dahil dito, inaasahang aabot sa mahigit P44.00 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Samantala, nanindigan naman ang transport groups na muling isusulong ang pag-aakyat sa P10.00 ng minimum na pasahe sa jeep dahil sa nagbabantang big time oil price hike ng mga oil companies.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply