Presyo ng diesel tumaas

TUMAAS na naman presyo ng ilang produktong petrolyo kasama na ang diesel simula kaninang hatinggabi.

Epektibo 12:01 ng hatinggabi, nagtaas ang Flying V ng 75 sentimos sa presyo ng bawat litro ng kanilang diesel, 25 sentimos sa regular gasoline at 60 sentimos sa kerosene.

Simula kaninang alas-sais ng umaga ay itinaas din ng Chevron, Total at PTT ang presyo ng kanilang diesel (75 sentimos) at regular gasoline (25 sentimos).

Nagdagdag naman ang Chevron ng 60 sentimos sa kada litro ng kanilang kerosene.

Gayunman, nagtapyas naman ng 45 sentimos ang Flying V, Chevron, Total at PTT sa presyo ng kanilang premium at unleaded gasoline.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply