Presyo ng gulay, mataas pa rin

NANANATILI pa ring mataas ang presyo ng gulay dahil mabagal ang dating ng suplay bunga ng mga sirang lansangan patungo sa kalakhang Maynila

Batay sa price monitoring, dumoble pa ang presyo ng ilang gulay sa Marikina City.

Ang dating P70.00 hanggang P90 presyo ng kada kilo ng string beans ay pumapalo na ngayon sa P100 kada kilo.

Ang repolyo ay tumaas ng P110 ang presyo mula sa dating P55.00ang kada kilo.

Maliban dito, mataas pa rin ang presyo ng carrots na nasa P65 ang kilo, talong P35 per kilo, okra P35 per kilo at ampalaya na nasa P70 hanggang P80 ang kada kilo

Ipinaliwanag naman ng mga vegetable dealer na kapos sila sa suplay ng gulay dahil sa pagkakasalanta ng bagyo sa mga pananim pati na mga nasirang kalsada n na dinaraanan ng delivery truck.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply