Presyo ng gulay, muling sumirit sa NCR markets

TUMAAS pa ang presyo ng gulay sa maraming palengke sa National Capital Region (NCR) na epekto ng naranasang pag-ulan at pagbaha noong nakaraang linggo.

Sa Pasig City, sinabi ng mga tindero at tindera na ang transportation costs ang dahilan kaya mataas ngayon ang presyo ng gulay.

Maraming kalsada sa Northern Luzon ang naapektuhan ng malakas na pagbuhos ng ulan at baha, bukod pa sa babala ng state weather forecasters na bubuhos pang muli ang pag-ulan sa kabuuan ng Northern Luzon mula na dulot naman ng tropical storm “Helen.”

Kaninang umaga, ibinebenta ang Baguio beans sa P70 per kilo, na mataas sa dating presyo na P50 per kilo, ayon pa sa ulat.

Ang presyo naman ng “pechay Baguio” ay tumaas din na mula sa P50 per kilo ay mabibili na sa P60 per kilo, habang ang presyo ng cauliflower ay tumaas sa pagitan ng P150 hanggang P170 na dating nasa P80 hanggang P100.

Ibinebenta naman ang lettuce sa P200 per kilo, habang a ang “pechay Tagalog” na mula sa Davao ay ibinebenta ng P100 hanggang P120, na dati lamang na P60 hanggang P70.

Gayunman, bumaba naman ang presyo ng carrots sa dating P100 ngayon ay P70 per kilo na lamang, pero ang presyo naman ng patatas at tumaas sa P50 hanggang P60 per kilo.

Ayon pa rin sa ulat, ang presyo ng isda at karne at manok  ay nananatili pa rin sa dating presyo pero ang ilan sa mga isda ay tumaas ng bahagya sa dating P5  na ngayon ay P15 kada kilo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply