Presyo ng gulay tumaas ng triple

SINISISI ng mga vendors sa patuloy na nararanasang pag-ulan ang tripleng pagtaas ng presyo ngayon ng mga gulay sa palengke sa Metro Manila.

Sa Marikina City, pumalo ang presyo ng sitaw sa P80 kilo mula sa dating presyong P30 sa Marikina public market.

Habang ang presyo ng talong na P25 dati ay pumalo sa P40 per kilo, ang patola naman na dating P20 ay tumaas hanggang P40 per kilo.
Tumaas naman ang okra mula sa P25 na naging P35 kada kilo), ampalaya, mula sa P40 ay naging P45 kada kilo.

Nanatili naman sa dating presyo ang calamansi (P30 per kilo), patatas (P25 per kilo), carrots (P65 per kilo), onions (P70 per kilo) at bawang (P90 per kilo).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply