Presyo ng LPG nakaambang tumaas sa Setyembre

NAKAAMBA na naman sa Setyembre ang pagtaas sa presyo ng cooking gas.

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang ipapatupad na LPG price increase ay dahil sa pagtaas ng contract price nito sa world market.

Ikinatwiran ng DOE na bukod sa pagtaas ng contract price, may kinalaman din sa panibagong price hike ang nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East.

Nilinaw naman ng DOE na sa Setyembre 1 pa ilalabas ang pinal na price adjustment.

Kahapon, nagpatupad ng price hike sa mga oil product ang ilang kompanya ng langis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply