Presyo ng pangunahing bilihin tumaas

UMARANGKADA na naman ang presyo ng mga pangunahing bilihin bunsod ng pananalasa ng bagyong Helen sa bansa.

Doble hanggang triple ang itinaas ng presyo ng mga gulayc sa mga pamilhan.

Bahagyang tumaas ang presyo ng isda, manok at baboy ng P10 hanggang P30.

Ang pagsirit ng presyo ng pangunahing bilihin ay dahil sa hindi maibiyahe ang mga agricultural product sa Maynila mula sa Norte dahil sa mga saradong kalsada.

Naniniwala ang pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) na magiging normal ang presyo ng bilihin sakaling makumpuni agad ang mga nasirang kalsada.

Binalaan naman ng DTI ang mga negosyante na huwag magsamantala lalo na sa mga lugar na sinalnta ng bagyo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply