Price control ipinatutupad sa mga lugar na nasa state of calamity

MANANATILI sa dati ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na nagdeklara ng ‘state of calamity’.

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Benigno Aquino sa Department of Trade and Industry ang price freeze sa mga lungsod at lugar na nakaranas ng lupit ng pagbaha na dulot ng habagat .

Ayon kay DTI Secretary Gregory Domingo, ang price control sa mga lugar na nagdeklara ng state of calamity ay may epekto ng hanggang 60 araw na awtomatikong ipinatutupad na sa mga sumusunod na lungsod ng Malabon , Valenzuela, Muntinlupa , Pasay , Pasig , Pateros, sa Metro Manila, habang ang mga karatig lalawigan na nasa ilalim na rin ng state of calamity ay ang Cainta , Rodriguez, at San Mateo sa lalawigan ng Rizal, Laguna ,Zambales, Bataan at Pampanga.

Sinabi rin ni Trade Undersecretary Zeny Maglaya na ang mga nabanggit na lugar na nasa ilalim ng price freeze ay ipinagbabawal na galawin ang presyo ng mga panunahing bilihin.

Maaari din umanong magdeklara ng price freeze sa mga lugar na irerekomenda at base sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at mga tauhan ng DTI .

Maliban nalamang kung maubus ang stocks ng mga supermarket dahil na rin sa panic buying , kailangan umanong magkaroon ng sistema ang mga pamilihan upang maiwasan ang panic buying ng publiko na hindi nararapat sa mga panahon ng kalamidad.

Sa kabila ng pag-angat ng presyo ng gulay at isda dahil sa bagyong Gener, inaasahan ng DTI na babalik sa normal ang presyo ng mga ito habang patuloy na gumaganda ang panahon.

Iginiit din ng ahensya sa publiko na i-report ang mga tindahan at supermarket na nag-overpricing at mga hoarding kung saan itinatago ang mga pangunahing bilihin upang maibenta sa black market sa mas mataas na halaga.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply