Price freeze ipatupad din sa petrolyo, kuryente

KINALAMPAG ng grupong Anakbayan ang Department of Trade and Industry (DTI) na isama sa “price freeze” ang preyo ng petrolyo at kuryente sa mga lugar na apektado ng kalamidad.

Sinabi ng grupo na tinatayang nasa 1.2 milyon katao sa Metro Manila at Luzon ang makikinabang kung ipatutupad ito ng DTI.

Sa kasagsagan ng pagbayo ng ulan dulot ng Habagat, nagtaas ng presyo ang mga kumpanya ng Petron, Shell, Chevron, Total at iba pang kumpanya ng petrolyo habang nagtaas rin ng singil ang Manila Electric Company (Meralco).

Sinabi ni Vencer Crisostomo, chairperson ng grupo, na hindi patas sa mga maliliit na negosyante ang ipinatutupad na price freeze ng DTI habang nagsasamantala naman ang mga multi-milyong korporasyon ng petrolyo at kuryente.

Maaaring maging dahilan pa umano ng pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin ang dagdag presyo sa petrolyo at dagdag-singil sa kuryente sa mga darating na araw.

Ngayon umano mapapatunayan kung talagang may “political will” ang administrasyong Aquino kung isasama sa price freeze ang kuryente at petrolyo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply