Price freeze mahigpit na ipatutupad ng DTI

NAGBABALA ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) na mahigpit nilang ipatutupad ang ‘price freeze’ sa mga lugar na nasa ilalim na ng state of calamity dahil sa malawakang pagbaha na dulot ng Hanging Habagat.

Ipinaliwanag ni DTI Usec. Zenaida Maglaya na sa ilalim ng price freeze, kailangang panatilihin ang presyo ng pangunahing bilihin sa presyo nito bago ang kalamidad.

Tiniyak naman ni Maglaya na sapat ang suplay ng mga pangunahing bilihin at hindi rin nagkaroon ng panic-buying sa mga naturang lugar.

Pinayuhan naman ng DTI ang mga negosyante na huwag magsamantala sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply