Pro-life position ng CBCP suportado ng PPSJ

SUPORTADO ng Philippine Province Society of Jesus ang Simbahang Katoliko at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa usapin ng family at reproductive life.

Ito ang tiniyak sa mga Obispo ni Fr. Jose CJ Magadia, SJ, Provincial Superior ng Society of Jesus in the Philippines, sa liham na ipinadala nito kina CBCP President Cebu Archbishop Jose Palma, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas-CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, CBCP-Episcopal Commission on Family and Life chairman Antipolo Bishop Gabriel Reyes, Manila Archbishop Luis Antonio Tagle, Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Cardinal Gaundencio Rosales at Cardinal Ricardo Vidal.

Sa naturang liham, nanindigan si Magadia sa pagkakaroon ng pro-life position ng Ateneo de Manila University sa harap naman ng lantarang pagsuporta ng 192 professor nito sa kontrobersiyal na House bill 4244 o The Responsible Parenthood, Reproductive Health and Population and Development Bill.

Kinatigan din ni Magadia ang naunang statement ni Ateneo de Manila University President Fr. Jose Ramon Villarin na paninindigan at ituturo ng unibersidad sa mga mag-aaral ang Catholic teachings.

Ayon kay Magadia, kaisa ng Simbahang Katoliko at mga Obispo ang Society of Jesus na maninindigan sa mga usaping nakakaapekto sa common good.

Aniya, tatalima rin ang Society of Jesus sa CBCP bilang mga pastor at gabay at hindi para pangunahan ang kanilang moral ascendancy.

Nilinaw rin ni Magadia na iginagalang ng Society of Jesus in the Philippines ang individual consciences ng mga professor na sumusuporta sa RH bill ngunit patuloy silang makikipagdayalogo sa mga ito sa matibay na paninindigan ng Simbahang Katolika sa kahalagahan ng buhay at sagradong pamilya.

Samantala, ikinatuwa naman ni Ongtioco ang sulat na ipinadala sa kanila ni Magadia.

Pinuri rin ni Ongtioco ang posisyon at panawagan ni Magadia sa mga professor ng Ateneo de Manila University na huwag nilang ituro sa kanilang mga estudyante ang kanilang conviction at sarilinin na lamang ito.

Nakikiisa naman si Ongtioco sa hakbang ng Society of Jesus na patuloy na makipag-dayalogo sa mga professor na sumusuporta sa RH bill taliwas sa paninindigan at posisyon ng unibersidad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply