Pro-RH Bill na mga professor, suportado ng ACT Teachers’ Party

SUPORTADO ng ACT Teachers’ Party ang mahigit 150 propesor ng Ateneo de Manila University na pabor sa pagpasa ng reproductive health bill sa Kongreso.

Ito ang pahayag ni ACT Teachers’ Party congressman Antonio Tinio matapos nagbanta ang simbahang Romana Katolika na tatanggalan ng estadong Katoliko ang pamantasan dahil sa paninidigan ng mga guro.

Ayon kay Tinio, “The CBCP may well be within its right to strip schools of Catholic status but it yet reveals how Catholic dogma and values are in conflict with modern, secular, and democratic values like women’s rights and academic freedom.

Sumasaludo ang militanteng mambabatas sa prinsipyadong paninindigan ng mga guro ng Ateneo.

Nanawagan rin si Tinio sa pamunuan ng pamantasan na igalang ang karapatan ng mga guro na makapagpahayag.

“We urge other members of the academe, including those in other Catholic schools, to take a similar stand on such a vital issue,” ssabi ni Tinio.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply