Pro-RH bill na professors iimbestigahan

HINIKAYAT ng isang Catholic bishop ang pamunuan ng Ateneo de Manila University (ADMU) na imbestigahan ang mga professor nito na nagpahayag ng pagpabor sa Reproductive Health (RH) bill na mariing tinututulan ng Simbahang Katoliko.

Ayon kay Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, miyembro ng permanent council ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kung totoo ang naturang ulat na may 160 propesor ng unibersidad ang pabor sa RH bill ay malinaw na nilabag ng mga ito ang katuruan ng simbahan hinggil sa kasagraduhan ng buhay.

Iginiit rin ni Medroso na hindi maaaring magturo sa isang Catholic school ang isang guro na sumusuway sa opisyal na katuruan ng Catholic church.

Sinabi pa ng Obispo na sa oras na mapatunayang pumabor nga ang mga naturang professor sa naturang panukalang batas at iniimpluwensyahan ng mga ito ang kanilang mga estudyante ay maaaring matanggal sila sa pagtuturo at hindi na pagturuin pa sa mga Catholic schools sa bansa.

“That has to be investigated! Dapat talagang imbestigahan yan! Ang first principle ng cannon law diyan about this matter that we don’t allow teaching that is against the official teachings of the Church. Now, if there is somebody or some na nagtuturo na salungat sa turo ng Simbahan then they have to investigate immediately tapos ang management ng paaralan ay iniendorso ito sa Obispo,” ani Medroso, na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Cannon Law,  sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Ipinaliwanag pa ni Medroso na kapag napatunayan na nagtuturo ang mga professor ng mali o labag sa turo ng Simbahan, ay babalaan muna ito sa una ngunit papatawan ng mas mabigat na kaparusahan tulad nang hindi na pagpapahintulot sa kanila na magturo sa Catholic school.

Una nang sinabi ni CBCP President at Cebu Archbishop Jose Palma na tatanggalan nila ng affiliation at huhubaran ng Catholic identity ang mga Catholic schools at institution na lalabag sa turo ng simbahan.

Hinimok rin nito ang lahat ng Catholic schools sa bansa na maging totoo sa kanilang calling na ituro ang Catholic doctrine sa mga estudyante.

“They should be consistent and true to the nature of their calling which is to enlightened and teach the Catholic doctrine.  They should realize how important their vocation and their  mission is which is of course to impart the  Catholic teaching,” aniya.

Iginiit rin nito na kaya may mga Catholic school ay upang sundin ang mga turo ng Catholic church at dapat itong ipatupad ng pamunuan sa kanyang mga manggagawa.

“The Catholic schools, yung itinuturo nila  should be under the guidance of Catholic teaching. I would like to stress na sana the  schools should realize how important the duty is.  They should respond enthusiastically and joyfully and of course the spirit of obedience to these injunction of the church,” paglilinaw ni Palma.

Aminado naman si Palma na may kalayaan ang mga guro na sabihin ang kanilang saloobin ngunit kailangang alinsunod ito sa turo ng simbahan.

“Ang freedom binabanggit nila,  pero dapat nilang isipin na they can just say what they like, kung gusto nila okay but it should be in the context and jurisdiction of the Catholic schools. Kasi iyong school they should be true to their mission,” aniya pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply