Problemado sa pera, kelot nagbigti

PROBLEMA sa pera at kawalan ng trabaho ang sinasabing dahilan kaya nagbigti ang isang 26 anyos na lalaki kagabi sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Michael Calayag, binata ng 311 Inocencio St., Tondo, Maynila.

Ayon kay PO2 Crispino Ocampo, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9:00 kagabi ng madiskubre ang pagpapatiwakal ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto gamit ang nylon cord.

Sa pahayag ng ina ng biktima, matinding depression at problema sa pera ang nag-udyok sa biktima na magpakamatay bukod pa sa hindi ito matanggap-tanggap sa trabaho.

Pinutol naman ng ama nito ang tali sa pag-aakalang maililigtas pa ngunit nang mapansin na hindi na humihinga ang biktima ay ipinatong na lamang siya sa lamesa saka nag-report sa barangay na siya namang nag-report sa pulisya.

Iinaalam naman ng awtoridad kung may naganap na foul play sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply