Professionalization sa mga exec, manager, aprubado sa Senado

INAPRUBAHAN na ng Senado ang final reading ng panukalang batas na naglalayong i-professionalize ang executive at government managers sa pamamagitan ng pag-obliga sa mga ito na sumunod sa civil service rules.

Maiiwasan, o kundi man umano ay mababawasan ang political appointments dahil a pagkakapasa ng Senate Bill No. 3215 o mas kilala sa “Act Strengthening the Career Executive Service.

Dahil din umano dito, maisusulong ang tinatawag na professionalization sa matataas na posisyon sa tanggapan ng pamahalaan.

Nakasaad sa nasabing panukalang batas, ang Office of the President ang may primary disciplinary authority sa mga presidential appointees habang sa mga non-presidential appointees ay mananatili sa pinuno ng ahensya alinsunod na rin sa alituntunin ng Civil Service Commission.

Magugunitang halos kahalintulad din na panukalang batas partikular ang Senate Bill No. 2671 at House Bill No. 5624, ang ipinasa ng dalawang kapulungan ng Kongreso ngunit hinarang ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pagsasabatas ng panukala.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply