Programa ni Robredo itutuloy ng mga kasama

IPAGPAPATULOY ng mga kaibigan at kasamahan sa trabaho ng namayapang si DILG Sec. Jesse Robredo ang kanyang mga nasimulang programa at reporma.

Sa katunayan ay itinuring na isang malaking hamon ang iniwan ng kalihim sa hanay ng DILG.

Kanina ay inisponsoran ng DILG, attached agencies at local government leagues ang unang Memorial Service para kay Robredo.

Ayon kay Atty. Domina Rances, executive assistant ng DILG na hindi matatawaran ang work ethics ni Robredo dahil maging ang sariling seguridad nito ay kanyang isinugal masiguro lamang na maimbestigahan ang mga tiwaling opisyal.

Tinuran naman ni Pampanga Mayor Oscar Rodriguez, pangulo ng Mayors’ League of the Philippines na hindi dapat masayang ang nasimulan ng kalihim at pananagutan nilang ipagpapatuloy ang mga reporma.

Kapansin-pansin naman na hindi napigilan ng alkalde ang sarili at naiyak habang nagpapaalam sa kalihim.

Ayon kay Oriental Mindoro Gov. Alfonso Umali ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), diretso, dedicated at napakasipag ni Robredo.

Binigyang diin pa nito na isa pang magandang katangian ng kalihim ang nakikinig muna bago magbibigay ng “honest to goodness” na tugon.

Hindi naman makapaniwala si PNP chief Nicanor Bartolome na sumakabilang buhay na si Sec. Robredo.

Ikinuwento nito na kahit narinig na aniya niya ang balita at may nagparating na sa kanya ng balita ukol sa insidente ay hindi pa rin siya naniniwala na wala na ang mabuting kalihim.

Inamin nito na hindi siya nawawalan ng pag-asa na buhay pa ang kalihim at posibleng tumapon lamang sa ibang isla kaya nga ang kanyang hamon sa kanyang mga kasamahan ay hanapin si Sec. Robredo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply