Project Noah, hindi dapat ikabahala – DOST

PINAYUHAN ni Department of Science and Technology (DOST) Director for Information and Project Noah co-project leader Mon Liboro ang publiko na huwag gumawa ng sariling interpretasyon sa mga makikita sa website ng Project Noah.

Sinabi ni Liboro na bagamat maari itong gamiting quick reference ay kailangang ipaubaya sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagbibigay ng iinterpret lalo na ang pagsasabi kung ang nakitang ulap ay bagyo o hindi.

Ipinaliwanag din ni Liboro na mahalagang alamin kung kailan kinuha ang screenshots ng ibang tao bago ito ire-post sa social networking sites dahil sa mabilis magbago ang lagay ng panahon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply