Protesta ng mga manggagawa ng PAL, suportado ng KMU

SUPORTADO ng Kilusang Mayo Uno o KMU ang protesta at pagkondena ng 241 manggagawa ng Philippine Airlines o PAL sa may-ari ng kumpanya sa pagsasampa ng kasong paninira.

Ayon sa KMU, pang-uupat lamang ang layunin ng kaso laban sa mga manggagawang tumitindig para sa kanilang karapatan.

Sinampahan ng kasong paninira ng gamit ng kumpanya ang mga manggagawa ng PAL kaugnay ng kanilang welga noong Setyembre, 2011.

Kung mapapatunayang nagkasala, pagbabayarin ang mga welgista ng hanggang kalahating milyong piso kada isa at pagkakakulong ng hanggang dalawang taon.

Paliwanag ng KMU, ang kaso ng mga welgista ay isang labor dispute at hindi dapat ituring na karaniwang krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply