Protesta sa pagkatalo ni Barriga, ibinasura

IBINASURA ng pamunuan ng boxing sa London Olympics ang protesta ng team Philippines sa kontrobersyal na pagkatalo ng Pinoy fighter na si light-flyweight Mark Anthony Barriga.

Ayon kay Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) executive director Ed Picson, ibinasura ng London Olympic officials ang protesta dahil sa tingin nila subjective view lamang ito ng ng mga opisyal ng team Philippines.

Natalo si Barriga ng Kazakhstan boxer na si Birzhan Zhakypov sa pamamagitan ng maliit na puntos, 16-17, makaraang patawan ng penalty ang una dahil sa alegasyon ng headbutting.

Masama ang loob ng team Philippines dahil hindi ito napagbigyan sa kanilang kahilingan na muling panoorin ang laban para makita kung paano nangyari ang maling pagpataw ng penalty.

Ang nangyari kay Barriga ay ikalawang insidente kung saan isa pang kontrobersyal na laban na kinasasangkutan naman ang Indian boxer na si Krishan Vikas at US welterweight Errol Spence ang ikinadismaya ng mga nanood ng laro.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply