Provident Savings Programs ng Pag-IBIG Fund

ANG Pag–IBIG Fund Provident Savings Program, ay nagnanais na mabigyan ng integrated, nationwide, sound and viable, mutual provident savings system ang mga kaanib.

Sino ang dapat magrehistro sa Pag-IBIG Fund bilang kaanib?

Sa pagkakapirma ng Republic Act No. 9679, ang pagiging kaanib sa Fund ay kailangan na naayon sa mga sumusunod: Lahat ng kawani, manggagawa, propesyonal, opisyales at kompanya na compulsory na napapaloob sa SSS at GSIS;

Mga kaanib na sundalo ng Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, at ang Philippine National Police;

Overseas Filipino Workers (OFWs);

Mga Pilipinong nagtatrabaho sa mga foreign – based na kumpanya, maging dito sa atin nakabase o sa ibang bansa man.

Ang pag–anib sa Fund ay bukas din sa mga sumusunod: Mga di – nagtatrabahong asawa ng isang Pag–IBIG member.

Filipinong empleyado ng mga foreign government o international na organisasyon o yung mga nakabase dito sa Pilipinas, in the absence of an Administrative Agreement sa Fund;

Empleyado ng isang employer na binigyan ng wavier o suspension ng Coverage ng Fund sa ilalim ng Presidential Decree 1752, as amended;

Mga pinuno at miyembro ng mga religious groups;

Isang kaanib na nawalan ng trbaho sa kanyang employer, lokal man o sa pagtatrabaho, subalit nais pa rin niyang ituloy ang paghuhulog sa personal niyang contributions;

Public officials o mga kawani na wala sa ilalim ng GSIS tulad ng barangay officials at mga Pilipinong naturalized sa ibang bansa.

***

ANG Fund ay nag-aalay ng mga sumusunod na benepisyo sa kanilang mga kaanib.

1. Savings na may taunang dibidendo.
2. Maaaring makapag-loan sa maikling panahon.
3. Maaaring makapag-Housing Loan.

Ang Pag–Ibig Provident Savings Program, ay mabilis, madali at kayang-kaya lamang ng mga kaanib upang sila ay makapag–ipon para sa kanilang hinaharap.

Ang Contributions ng kaanib at ang counterpart ng employer ay credited sa kanyang Total Accumulated Value (TAV). Ang kaanib na nakapag–contribute ng 2 porsiyento ng kanyang buwanang kompensasyon o kinikita ay nakapagpapadoble sa kanyang mga savings agad–agad dahil sa nadagdag na contribution counterpart ng kanyang employer. Samantala, ang kaanib naman na nag-contribute ng 1 porsiyento ng kanyang buwanang compensation o suweldo-triples his savings, sapagkat ang contribution counterpart ng employer ay nananatili sa 2 porsiyento.

Maliban sa 100% na garantiya ng national government, ang contributions ng mga kaanib ay deducted mula sa gross income prior sa computation ng income tax.

Ang members savings ay kumikita taon–taon ng dibidendo at ito ay tax–free. Ang dibiden-do ay iba–iba at nakadepende sa net income ng fund sa pag-tatapos ng taon.

Magkano ang babayaran buwan–buwan?

Ang mga contribution rate sa lahat ng kaanib, maliban sa non-waking spouses

Monthly Compensation
P1,500 and below
Over P 1, 500 –

Percentage of Monthly Compensation
Employee Share
1%
2%

Employer Share
2%
2%

Ang maximum na monthly compensation na gagamitin sa pag-compute sa employee–contributions ay kasalukuyang naka-set sa P 5,000.00.

Kasalukuyan, ang maximum na counterpart ng employer bawat buwan ay P100.00. Subalit, pwede namang pataasin ng kaanib ang kanyang monthly contributions anomang oras.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply